Released on April 12, 2019

20K Views

Thumbnail

[Intro]

Flip-D on the beat


[Chorus: Skusta Clee]

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo-tayo lang

Din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada lang


[Verse 1: King Badger]

Simula pa no'ng una, 'pag ako may problema

Alam kong may matatakbuhan, sasandalan, walang iwanan

Kahit anong sabihin niyo mga kapatid ko 'to

Kasama ko 'to sa hirap o ginhawa, magunaw man ang mundo

'Tsaka iba talaga'ng saya na 'yong dala, 'pag tayo ay sama-sama na

'Yong tipo nakakalimutan mo ang lahat ng

Problema mong dala, basta gano'n na nga

'Pag tayo'y kumpleto na mas masaya, 'di ba? Yeah


[Verse 2: Brando]

Gusto ko kasama kayo sa kulitan, sarap, walang iwanan

At kahit na minsan nagkakaro'n man tayo

Ng hindi pagkakaunawaan, tampuhan at galit, awayan

Pag-usapan na lang sa tagayan, 'di makatiis

'Pag nakitang nakangiti, apiran, wala na 'yan

Sabay halakhakan at palakpakan kahit na walang nakakatawa

Ganyan kabaliw, 'pag magkakasama

Mapatingin lamang sa bawat isa

At bukod pa sa samahan natin na sa

Kabila ng mga pagsubok kasama kita

Nararanasan mas masaya lagi basta, tara na


[Chorus: Skusta Clee]

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo-tayo lang

Din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada lang


[Verse 3: Flow G]

Kami ay mga magkakapatid, magkakaibigan lang tignan

Nagkakapikunan man minsan, walang pwede na mang-iwan

Kami din ang magkakasangga sa lahat kahit ga'no kabigat

Ano mang hirap mapapalitan ng sarap basta tayo ay magsikap

Sagana sa tawa 'pag kasama sila pero hindi na bago

Walang kasingsaya kaya sa kanila kumpleto na 'ko

May kapatid ka na, may tropa pa, eh 'di quota, quota na

Wala na 'kong mahihiling, sa kanila pa lang ay sobra na


[Verse 4: Emcee Rhenn]

Sila 'yong tipo na solid kasama, mga kadikit sa hirap at ginhawa

Kahit magkakalayo darating kaagad kapag napasama ka

Walang iwanan 'pag sagana, lalo na kapag ka wala na

Sabay-sabay na magkakaroon

Hanggang maubusan ay magkakasama

Magkakapatid, magkakadugo kung minsan man ay nagtatalo

Pero sinisigurado ko walang magpapabaya 'pag may naagrabyado

Kaya lagi nang panatag basta sila sa'kin na bahala

Walang dahilan para mag-iwanan sa isa't isa kami'y nagtitiwala


[Chorus: Skusta Clee]

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo-tayo lang

Din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada lang


[Bridge: Bosx1ne]

Kaya walang iwanan, walang iwanan tayo

Asahan mo na magdadamayan tayo

Kahit ano man ang problema ng bawat isa

Babangon tayo kahit tayo pa ay madapa

'Di magpapahalata, ganyan lang dapat

'Di magpapaawat sa pagsubok ma'y subukin

Dapat tayo ay maging handa


[Chorus: Skusta Clee]

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo-tayo lang

Din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada lang


[Outro]

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo-tayo lang

Din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada lang