Released on November 6, 2017

275K Views

Thumbnail

[Intro: Skusta Clee]

Oh-oh-oh-oh


[Chorus: Skusta Clee]

I give my heart to you tonight

Oh, baby, hold on tight

I think I'm fallin', fallin' for you

A feelin', I just can't describe

Something's tellin' me inside

I think I'm fallin', fallin' for you


[Verse 1: Bosx1ne]

Hinawakan ang kamay mo't tinignan kita

Ibang ngiti sa akin ang 'yong pinadama

Hanggang sa magkausap na tayo, do'n lahat ay nagbago

'Yung dating malabo, mas luminaw pa lalo

Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na ikaw ay makasama

'Di ko na pinatagal, nang sa gano'n agad-agad na kita na makilala

Kahit na hindi ko alam, kung saan nga ba ang pupuntahan

Ng ating usapan, ang alam ko lang, ako ay nahulog na naman

I'm fallin' fast and I don't know what you do

All I know is every part of me, baby was you

'Di ko akalain na mahuhulog pa pero nahulog na

At sa'yo napunta ang lahat ng katangian na hinahanap ko na wala sa iba


[Chorus: Skusta Clee]

I give my heart to you tonight

Oh, baby, hold on tight

I think I'm fallin', fallin' for you

A feelin', I just can't describe

Something's tellin' me inside

I think I'm fallin', fallin' for you


[Verse 2: Emcee Rhen]

Kung alam mo lang siguro ang nadarama na nahulog na sa'yo, 'di na kinaya

Ang pigilan na ibigin ka palaging nakabitin sa pagitan ng mga tanong at sana

Sana bukas ay mahulog ka na din sa'kin, meron mang mga balakid, tawirin natin

Kaso meron ding tanong, kung pwede bang sa'kin? Ipagkatiwala lang ang damdamin

Parang dinadalaw ng imahe mo palagi, aking puso hinahanap ka

Ang mga ngiti pati kinang ng 'yong mata, sa'king utak tila nakatarak na

Kahit sa'n mapatingin pa man ay gano'n pa din, ikaw ang natatanaw kahit anong gawin

Kahit sa'n makarating bali-baliktarin, ang sagot sa katanungan ko'y ikaw pa din

Ang nais makasama ko sa bawat sandali at pag-alayan nang lahat ng mga kayang ibigay

Pinagpala ang katulad ko ni Bathala, magmula nung sandali na sabay tayong tinangay

Ng hangin, palapit sa isa't isa, 'di ko akalain na ikaw na nga

Laging iingatan at umasa ka na sa'kin, 'di na papatak ang luha sa iyong mga mata


[Chorus: Skusta Clee]

I give my heart to you tonight

Oh, baby, hold on tight

I think I'm fallin', fallin' for you

A feelin', I just can't describe

Something's tellin' me inside

I think I'm fallin', fallin' for you


[Verse 3: Flow G]

'Di naman ako dating gan'to, dati sa'kin ang lahat laro lang

Pero simula nang nakilala kita, inaamin ko na ako ay naguluhan

Kasi biglang nagkaroon na lang ng kabuluhan para sa'kin ang

Mga salitang mahirap ipaliwanag pero ang katotohanan pagmamahal na pala ang kahulugan

Hanggang sa 'di ko na mapigilan ang sarili ko

Gusto ko lagi kang nakikita, binibini ko

Dala-dala ka palagi at tumatakbo ka sa isip ko

Sa sobrang sabik ko na sa piling mo

Sinasama ka hanggang sa panaginip ko

Tama pa ba 'to o sadyang tinamaan ako?

Wala na 'kong pakialam, ano man ang kalabasan

Ang mahalaga, sasama 'ko sa'yo

Kahit na maging mahirap ang kalagyan

Para sa'yo kakayanin ko lahat 'yan

Bahala na kahit na ako'y masaktan

Ganito pala talaga ang pakiramdam, 'pag napamahal


[Verse 4: JRoa]

Ewan ko lang kung tama pa ba ang lahat ng 'to

Ang iniisip ko na lang ay ang sarili ko

Gusto ko palagi, andito ka sa tabi ko

Siguro nga ako ay nahuhulog na sa'yo

Nalilibang ba o nahihibang na?

Wala na 'kong pakialam kahit may masaktan pa

Basta't mahal kita at 'yun lang ang mahalaga

Handa 'kong iwan ang lahat, makuha lang kita, ah-ah


[Chorus: Skusta Clee]

I give my heart to you tonight

Oh, baby, hold on tight

I think I'm fallin', fallin' for you

A feelin', I just can't describe

Something's tellin' me inside

I think I'm fallin', fallin' for you