PABORITO

By esseca

Released on August 28, 2020

Thumbnail

[VERSE 1]

Kay tagal na kitang di naririnig

Ang dami ko pang gustong tanungin

Sayo sana kaya kong harapin

Harapin

Iniisip ko palagi kung ayos ka na ba

Kung ikaw bay may kasama o mahal na iba

Kamusta na ba si tita?

May bago ka na bang pinakilala?

At mas gusto nya ba yan na kasama

Kwentuhan habang nasa sala't hawak ang kamay

Patago sa lamesa at nakaakbay gustong mag pa-umaga


[PRE-Chorus]

Kung pwede lang ibalik pa ang oras ay uulit ulitin ko ito


[Chorus]

Ang mga labi mo

Ang paborito ko

Marami man ang sumunod ay ikaw parin ang paborito

Mga sinabi mo

Tumatak sa puso ko

Marami mang sumunod ay ikaw parin ang paborito


[VERSE 2]

Hindi ko maalis sa isip ko

Kung ba’t tanda ko pa mga kilos mo

Kung pano ka ba ngumiti at

Pano ba nawawala ang yong mga mata kapag ikaw ay nakatawa

At pangako mo na tayoy magiging mag asawa pa

Kung malabo na maging tayo

Ay wag mo nang aminin pa

Masakit na aminin sa aking sarili

Na hindi ka na babalik pa saakin


[PRE-Chorus]

Kung pwede lang ibalik pa ang oras ay uulit ulitin ko ito


[BRIDGE]

Ilang taon ang lumipas

At nang aking mabalitaan

Napuno ng kalungkutan

Kasi ikaw daw ay nasaktan ko


[Chorus]

Ang mga labi mo

Ang paborito ko

Marami man ang sumunod ay ikaw parin ang paborito

Mga sinabi mo

Tumatak sa puso ko

Marami mang sumunod ay ikaw parin ang paborito