Released on December 13, 2019

Thumbnail

[Verse 1]

Sabi ko ayusin natin 'to

Wala kang mapapala sa iyong pagtatampo

Maliliit na awayan

Laging nadaraan sa isang mabuting usapan


[Refrain]

Matagal ko nang sinubukan

Ngunit walang napala

Sa kakaisip ay napagod

Puso ay nadala


[Chorus]

'Wag mo nang ipilit sa'kin

Ang ayaw ko

'Wag mo nang ipilit sa'kin

Hindi na tayo


[Verse 2]

Kung palaging ganito ang eksena

'Di ba't mawawalan ng kulay ang iyong nadarama

Hindi man natin ginusto

Tanging permanente sa mundo ay pagbabago


[Refrain]

Matagal ko nang sinubukan

Ngunit walang napala

Sa kakaisip ay napagod

Puso ay nadala


[Chorus]

'Wag mo nang ipilit sa'kin

Ang ayaw ko

'Wag mo nang ipilit sa'kin

Hindi na tayo


[Bridge]

Mga pangarap nawala naglaho na nang tuluyan

Tanong ko sa sarili saan nga ba nagkulang?

Sa mga tagpong ito ni hindi nakapaghanda

Dahil lahat ng posibilidad sayo itinaya

Hanggang anino ng lungkot ay sumaklob na sa tuwa

At palitan ng saknong ay nawalan na ng tugma

Sinubukan ko naman ngunit wala ding napala

Minsan kailangan tanggapin may 'di ka kayang magawa


[Chorus]

'Wag mo nang ipilit sa'kin

Ang ayaw ko

'Wag mo nang ipilit sa'kin

Hindi na tayo