Singularity

By Ensou

On Theia EP

Released on February 2, 2015

Thumbnail

[Verse 1: GUMI]

Tanda mo pa ba ang langit na ating pinagmamasdan

Mga bituin ay magbabalik

Tanda mo pa ba ang mga gabing tayo'y magkatabi

Ang araw ay magdarating na muli

Mata'y ipikit

[Chorus: GUMI]

Halika na at tayo'y sumayaw sa ilalim ng mga bituin

Ang bahid ng iyong luha ay maglalaho na muli

Magkahawak ang ating kamay, kalimutan na ang lumbay

Yakapin mo ako ng mahigpit at tayo'y di maghihiwalay

[Verse 2: GUMI]

Ang ating nakaraan ay lumipas na, malayo na

'Di na ito mababalikan

Ang mga gabing ikaw ay umiiyak; nagiisa

'Di na ito mauulit pa

Ngayon na tayo'y muling magkatabi

[Bridge: GUMI]

Dahan-dahang tayo ay nahuhulog

Tumingin ka lamang sa aking mata at huwag kang bibitaw