COMA

By Ensou

Released on June 1, 2013

Thumbnail

[Verse 1: GUMI]

Sa bawat araw na lumilipas

Ang mga litratong kumupas

Sa aking isipan ay

Bumabalot sa puso kong ito

Dahan-dahan nang umuulit

Ang bawat sakit at mapa-pait

Na mga ala-alang ika’y

Aking nasaktan


[Pre-Chorus: GUMI]

Gumuguho na ang mundo ko

Naglalakad sa sarili kong abo


[Chorus: GUMI]

Ngayon nandito ako sumisigaw, naliligaw

Sa mundong naiiba sa mundong natatanaw

Ngayon nandito ako umiiyak, naghihintay sa

Iyong ngiti dito sa’king panaginip


[Verse 2: GUMI]

Sa bawat yugto na aking likha

Ay mga malungkot na tadhana

Pinipilit gumising

Umaasang mamulat ang mata

Dahan-dahan ko’ng ginuguhit

Ang bawat tamis at mala-lambing

Na mga ala-alang ika’y

Sakin’ naghihintay


[Pre-Chorus: GUMI]

Gumuguho na ang puso ko

Namulat na ang mga mata’ng ito


[Chorus: GUMI]

Ngayon nandito ako dahan-dahang natatanaw

Ang mundong aking gawa mula sa aking luha

Ngayon nandito ako tumatakbo, inaabot ang

Iyong kamay at ang iyong pusong makulay


[Break]


[Bridge: GUMI]

(Sa pagikot ng mundong ito

Ang nais ko ika'y aking mapasaya)

Ang tinago kong mga luha

Sa iyo ay aking iniwan na sa mundo ko


[Chorus: GUMI]

Ngayon nandito ako na yumayakap sa iyo

Patawarin mo ako, nasaktan ko puso mo

Ngayon nandito ako hindi nang bibitawan pa ang

Iyong kamay dito sa’ting kuwento ng buhay


[Outro: GUMI]

Kuwento ng buhay