Simula

By Emman (PHL)

Released on August 16, 2022

14K Views

Thumbnail

[Intro: Emman]

Pwede ba na ibalik muna sa simula?

Dami na kasing nag-iba


[Verse 1: Awi Columna]

Ibang-iba na, amnesia pa ang dinala

'Di ko na kayo kilala, nakakabigla

Espasyo na mas lumala, pinaglayo ba ng sadya

'Yung samahan natin, magkaiba na ng hangarin

May kanya-kanya nang pasanin, parang bituin

Ang labo niyo nang abutin, pahirapang humiling ng

Kasama sa inuman kahit na saglit lang (Saglit lang)

Magkakuwentuhan at para mapakinggan ang isipan

Ko sa panahon na mas napilitan kong isinilang

Ang sensitibong puso at utak ko na mapalinlang, palihim lang

Mula nang 'di na tayo nagkasama ng malimit

'Di ko malaman kung inip o nilamon ng inggit

Kayo nga bang nagbago o hindi ko lang naisip

Umuusad kayo, ako'y naiwan at naipit


[Pre-Chorus: Alisson Shore]

Ilang araw na'ng nawala at nabura

Parang 'di pa yata kaya

Kaya't pwede bang


[Chorus: Emman]

Pwede ba na ibalik muna sa simula?

Dami na kasing nag-iba

Pwede ba iba na'ng maunang mag-umpisa?

'Di pa kasi ako handa


[Verse 2: Kiyo]

Kamay ng orasan ay ibalik kung saan nandoon tayo sa gitna

Kasi nakakapagod din maging malakas

At kung ako ang araw ngayon gusto ko nang lumabas

Sana nga gano'n lang talaga kadali

Hinahanap ko ang daan ko pabalik

(Pabalik, pabalik, pabalik, pabalik, pabalik, pabalik)

'Eto na ba 'yong gustong puntahan, bakit parang hindi?

'Pag iniisip lalong lumalala, gusto makita mga ngiti mo, mo, ohh

Babalik at babalik nang pabalik nang pabalik sa'yo


[Pre-Chorus: Alisson Shore]

Ilang araw na'ng nawala at nabura

Parang 'di pa yata kaya ('Di kaya)

Kaya't pwede bang


[Chorus: Emman]

Pwede ba na ibalik muna sa simula?

Dami na kasing nag-iba

Pwede ba iba na'ng maunang mag-umpisa?

'Di pa kasi ako handa


[Bridge: Emman]

Ahh, nasa'n ka na?

Ikaw ba'y nandito, kailangan kita (Kailangan kita)

Ahh, nangangamba

'Pag nahulog, may sasalo ba? (May sasalo ba)


[Verse 3: Alisson Shore]

'Di ko na mabilang panalangin

Kung meron pa bang sasagip sa akin

Planong naudlot at lungkot na naidulot

Nakabaluktot, nakakumot

Puro na lang ba salimuot ang

Sasalubong sa'king diwa't

'Di pa 'ko makapaniwalang 'di ka na kayang balikan

Pwedeng ulitin ko na lang


[Chorus: Emman]

Pwede ba na ibalik muna sa simula?

Dami na kasing nag-iba

Pwede ba iba na'ng maunang mag-umpisa?

'Di pa kasi ako handa

Pwede ba na ibalik muna sa simula?

Dami na kasing nag-iba

Pwede ba iba na'ng maunang mag-umpisa?

'Di pa kasi ako handa


[Outro: Emman]

Pwede ba na ibalik muna sa simula?

'Di pa kasi ako handa