Pahinga

By Ej Clarks

Released on March 17, 2023

Thumbnail

[Verse 1]

'Di na 'ko makapaghintay

Na muling mahawakan ang iyong mga kamay

Nawawala ang aking pangamba

Sa t'wing kapiling na ang aking pahinga


[Chorus]

Kaya sana ay hintayin mo at darating ako

Dala ang pag-ibig na alay sa'yo

Kailangan ko ang lambing mo

'Pagkat nami-miss ko 'to

Ang puso'y kumakalma sa yakap mo


[Verse 2]

Nang mahagkan muling naramdaman

Ang init ng pag-ibig na ayaw pakawalan

Hindi matiis ang 'yong mga mgiti

Kaya lagi nang sabik sa pag-uwi, woah, ooh-woah


[Chorus]

'Di na kailangan ng kumot mo, nandito na ako

Ang lahat ng pagod ay naglalaho

Hinahanap ko ang lambing mo

'Pagkat nami-miss ko 'to

Ang puso'y kumakalma, ang puso'y kumakalma

Ang puso'y kumakalma sa yakap mo


[Outro]

Mm-mm

Sa piling mo, sinta

Ang aking pahinga