Caffeine (Album Version)

By Dasu

On LMAO

Released on January 2, 2021

Thumbnail

Hinahabol-habol ko ang boses sa dilim

Di ako makapaghintay bawiin ang para sa akin

Lumalabo na ang aking paningin

Bakit ba ngayon lang tayo nagsimula?

Ah

Nakakalito, nakakapagod

Di na rin makahinga

Tama na, tama na

Marami akong katanungan

Tumingin sa salamin

Gisingin ang mga nahihimbing

Ikaw lang ba ang tangi kong makakapitan?

Ang luha ko'y dahil sayo

Sasabayan pa rin kita sa pagtakbo

Kahit na anong sigaw mo

Hanggang kailan pa ba ito?

Pagbigyan mo na ako

Isa na lang

Isang pagkakataong makita ka

Lalalalala :3

Inaawit-awit ko ang pangalan mo

Di naman nakakasawang ulit-ulitin 'to

Araw-araw, sampung beses sa isang linggo

Parang langit na ang mundo dahil sayo

Ooh <3

Di ko namalayan

Bakit ba ako ay gulong-gulo?

Nasaan ka na ba?

Kailangan kitang makita

Binigay mo na rin ang tanging

Sigaw ng puso ko

Bakit ba

Hindi ko mapigilan?

Hinahanap-hanap ko sa iyo

Ang pait at saya ng ating pinagsamahan

Bakit

Di na, di na nauulit ito?

May pag-asa pa ba tayo na magtagpo?

Kahit hindi ngayon

Ikaw lang ang laman ng isip ko

Ang awit ko'y para sayo

Sasabayan pa rin kita sa pagtakbo

Kahit na anong sigaw mo

Hanggang kailan pa ba ito?

Pagbigyan mo na ako

Pakiusap

'Wag ka nang lumisan hindi ko kaya

Ah

Natatakot lang ako

Pag ika'y naglaho na sa buhay ko

Ano na ang gagawin ko?

Kung babalikan mo pa ito

Isa lang ang masasabi ko

Hindi ko kaya na mapalayo

Sa piling mo

Lalalalala