Released on February 15, 2026

Thumbnail

[Intro]

Yeah, uh

Ilabas ang kabaong para sa kahapon

Ilibing ng taimtim para makaahon

Tinanggal ko ang piring para liwanag tumagos

Nilagyan ko ng diin mga suntok na kumapos


[Verse 1]

Ang pagtatapos

Ng patigasan at palakasan

Sawa na makipagtuos

Wala naman dapat patunayan

'Di ko kailangan maging astig

Kung ang kasiyahan lang ay saglit

Kemikal sa utak ang siyang nagtulak

Na gumalaw na parang may saltik


[Pre-Chorus]

Kaya piniling iwanan

Ang mga pinanghugutan ko

Na maling kasagutan para sa 'king kasiyahan

Demonyong nagtatawanan

Mistulang bumubulong

At makabanggit ng pangalan

Nakakatakot pakinggan, kasi

[Chorus}

Bilanggo ng sarili kong multo

Tatakas palayo sa'yo

Iiwanan yung dati kong mundo

'Di na magbabalik sa'yo

[Verse 2}

Lulong sa karanasan ng lansangan

Ngayon ay nagbabawi nang marahan

Kahit na wala 'kong nakikitang tutularan

Dilat matang nag-tinikling sa daanan

Nananaginip akong gising na merong tanong

Kung sa'n ang limitasyon ng sarili 'pag wala ka

Nasa makamundong nakasanayan noon

Tagal nang nakakulong pero gusto pa rin lumaya


[Pre-Chorus]

Kaya piniling iwanan

Ang mga pinanghugutan

Ko na maling kasagutan

Para sa 'king kasiyahan

Demonyong nagtatawanan

Mistulang bumubulong

At makabanggit ng pangalan

Nakakatakot pakinggan, kasi

[Chorus}

Bilanggo ng sarili kong multo

Tatakas palayo sa'yo

Iiwanan yung dati kong mundo

'Di na magbabalik sa'yo


[Interlude]

[Chorus}

Bilanggo ng sarili kong multo

Tatakas palayo sa'yo

Iiwanan yung dati kong mundo

'Di na magbabalik sa'yo

Bilanggo ng sarili kong multo

Tatakas palayo sa'yo

Iiwanan yung dati kong mundo

'Di na magbabalik sa'yo (magbabalik sa'yo)