Released on September 14, 2020

Thumbnail

[Chorus: Chihiro]

Ikay nais makilala

Pero paano kung hindi ko kaya

Lagi na nga lamang umaasa

Humiling sa tala na bigyan ako ng tiyansa

(Haka-haka sa isipan)

Wag ka nang makinig wag kang maniwala

(Pagkat ito'y akala)

Akala lang akala lang akala lang pala


[Verse 1: Chihiro]

Nakaraan ay nakakabighani kahit di dapat nangyari

Sana di naging palagi ang pag dadaan kunwari

Ang laman ng isipan ay hindi ma sabi-sabi

Umaasa sa palagay kahit di pa nasusuri

Nahulog sa mga tingin na nagdala sa ilusyon

Kahit isipin madiin laging tulog sa delusyon

Hangarin ko man alamin ang laman ng kaniyang damdamin

Malabo na mapansin pag nakinig sa opinyon

Halungkutatin ba ito ay tama

Bawat titig ba sayo'y tadhana

Kahit na di na ako bata hirap magalaw ang dila

Pag ako ay nakikita turing sa 'kin ay wala

Siguro nga di dapat dumipende sa hinala

Likod nang iyong imahe ninais ko makita

Pero pano kung isa lamang tong trahedya

Ang inaasahan ko na himala ay akala lang pala


[Chorus: Chihiro]

Ikay nais makilala

Pero paano kung hindi ko kaya

Lagi na nga lamang umaasa

Humiling sa tala na bigyan ako ng tiyansa

(Haka-haka sa isipan)

Wag ka nang makinig wag kang maniwala

(Pagkat ito'y akala)

Akala lang akala lang akala lang pala


[Verse 2: Chihiro]

Parang walang nangayari at hindi nagbago

Nasayang ang oras sa paghintay ng tiyempo

Mukhang nanginginig hirap maging kalmado

Panahon na nga siguro na lahat mabago

Sa araw na itinakda agad dumako

Atensyo'y naagaw sa kanyang bestido

Kahit pa akoy kabado at hindi pa sigurado

Sinugal huling baraha kahit pa ako'y matalo

Habang hawak ang kamay

Ramdam saglit ang langit nang agad nagkakila

Sa sayaw nakasabay

Pilit ko man na lumapit subalit hindi gagana

Sa kanyang paglisan ay aking nakita

Mayroon kinakasama agad kong nakuha

Itong mundong pinasukan ay isang trahedya

Pagkat ang hinala ko nung simula ay akala talaga


[Chorus: Chihiro]

Ikay nais makilala

Pero paano kung hindi ko kaya

Lagi na nga lamang umaasa

Humiling sa tala na bigyan ako ng tiyansa

(Haka-haka sa isipan)

Wag ka nang makinig wag kang maniwala

(Pagkat ito'y akala)

Akala lang akala lang akala lang pala