Released on August 27, 2021

Thumbnail

[Verse 1]

Sablay, hindi na makahirit

Sabay, sabay-sabay ang nangyayari

Kung iisipin natin ang kahapong sandali

Mali bang humiling?


[Chorus]

Kung iiwanan natin ang mundo

Sa atin ang sa akin at sa'yo

At tulad lang ng dati, wala nang masasabi

Pakikinggan ba tayo ng mundo?

Pagbibigyan ba tayo ng mundo?


[Verse 2]

Wala, wala na ngang espasyo

'Di na dinadaan sa mga bisyo

Kung gigisingin natin ang

Kahapong sing-dali

Mali bang humindi?


[Chorus]

Kung iiwanan natin ang mundo

Sa atin ang sa akin at sa'yo

At tulad lang ng dati, alam na'ng mangyayari

Pakikinggan ba natin ang mundo?

Pagbibigyan ba natin ang mundo?


[Bridge]

Kailan maghahanay ang hakbang?

Kaliwa ba o kanan?

Kumikitid ang daan

Kinikitil ang puwang

Pinipilit ang kailan

Ano na ang susundan?

Ako ba ang susundan?


[Outro]

Hakbang pa ba natin ang hadlang?

Pa'no malalampasan?

Meron bang pupuntahan?