Released on August 18, 2017

Thumbnail

[WYP 1]

Bumibilang pabalik

Sa bawat buntong hininga

At pananabik

Yakap-yakap ang alaala

Lumbay ay napapawi

Hindi masukat ang

Ilang hakbang

Sa mga pagitan

Ano mang pagmamadali

Pasulong

Tila oras ay paurong

Ipagpaliban pansamantala

Ang pagkumot ng talukap

Sa mga mata

Gamu-gamong sumasayaw

Dahan dahang inaakit

Papalapit sa ilaw

Paalala ng takipsilim

Na hindi sa dilim

Magwawakas

Paalala ng takipsilim

Na hindi sa dilim

Magwawakas ang mga himig


[Calix 1]

Hindi ko hiniling sa sanlibutan

Na ako'y isilang

Na imulat ang mata

Sa katotohanang ako'y walang puwang

Sa kung anong planong

Isinulat ng

Mga nilalang na lulong sa pag sukat ng oras na tila paurong

Paglalaban ko ba ang pag kontra sa agos kung sa huli din ako'y makukulong

Sa kahong tinakda

Huhulma

Sa korteng madaling ilista

Sa mga hanay nila?

Tinanong mo na ba kung ang oras ba ay kailangang sundan?

Gusto kong pag masdan

Gusto kong pag masdan

Ang buhay kong tila panggatong na lang

Sa makinaryang gusto kong takasan

Tick tock

Kung pwede lang baliin ang kamay ng orasan

Tick tock

Engranahe ay sunugin para mawakasan

Ang kahibangan ng mundo

Na pinipilit mo ako ang sumalo

Pasan-pasan ang bigat

Na dulot ng mga pilosopiya niyo

Ipokrito

Wag kang mag salita habang natatago sa tore

Ipokrito

Baka gusto mo muna tignan ang iyong sarili

Saka ka mamili

Sino ba sa atin

Ang hinihiling na oras ay sana tumigil

Para lang ulitin

Mga bagay na nagududulot sayo ng pighati at pagsisisi


[Calix 2]

Sana ba kinuha ko na

Sana ba inangkin ko na

Sana ba hindi ko na pinakawalan

Ang pagkakataong ipagdamot sa kalahatan

Ang araw, oras, segundong sinayang

Na di na kailan man mababalik pa

Lahat ng pintuan ay nag sara na

Lahat ng tulay ay putol at giba

Alam ko naman na kasalanan ko

Kung aminin ko ba titigil ang mundo?

Bigyan mo ako ng pagkakataon

Ituwid ang landas na tinatahak ko

Pangako

Di na papabayaan

Pangako

Di na pakakawalan

Pangako

Pero narinig ko na yan

Ang naloko mo dyan ay sarili mo lang

Oras na para maging mulat

(Wag mong hintayin na ang buhay mo pa ang siyang magtuturo sayo)

Pagka't hindi ito titigil para lang sayo

(Sa dulo nito pati ang mundo'y maaring maging kalaban mo)

Kumilos pagka't


[WYP 2]

Bigat na dumadagan

Sumisigaw

Hindi alam saan dadaan

Naliligaw

Kahit anong paliwanag

Hindi makabitaw sa patalim

Hinahabol ng liwanag

Ang oras ay kak ampi ng dilim

Bawat araw kumukupas ang kulay

Ng mundong mapaghugas kamay


[Calix 3]

Napagtanto

Na kahit anong

Pag piglas sa agos ay mas malakas ito

At mas ma sakit

Mas mahapdi

Maging taliwas

Sa mga pekeng ngiti

Tama ba tong naririnig ko

Pag madaling araw ay bumubulong

Hahatakin daw ako sa pinaka-ilalim ng puso kong

Di na tumitibok kahit katitining na kabog

Huli ka na

Huli mo na

Ako ay lugmok sa sariling burak

Sadlak sa lungkot na dulot ng

Sariling mga desisyong hindi na matutuwid pa kahit kailan

Iwan mo na

Di ko kailangan na maisalba

Ako'y may sala

Buhay pa ako pero ang kaluluway

Nabenta ko na

Kay satanas


[Bedsettler 1]

Nagkaka-alaman; nagkaka-gulo

Hanggang ang oras ay huminto

Wala na, umikot din

Ubos na ang luhang binuhos sa dilim

Hindi ko naisip ang layo, ang hirap na lalakbayin

Bawat tapak sa putik, pinabibigat ng hangin

Sarili kong panaginip nagagalit sa akin

Kaharap ang salarin sa tapat ng salamin, binigo ang lumang hangarin

Daplis ng sakit, dulas sa pagtitiis hindi mabura ang damdamin

Kung ang ulap ay pumapagitan para maabot ang kasiyahan

Hindi titingala para hindi mahirapan

Makita ang sarili sa repleksyon ng mga kagagawan


[Calix 4]

Sa pag sapit ng araw

Alinlangan natunaw, handa ka na ba? (Handa ka na ba?)

Harapin ang kadiliman sa puso mong

Di na kailan maiiwasan

Kakambal ng paglaban ang sakit ng kalooban at kalamnan

Pero kahit ano pa yan, wag ka na matakot at ihakbang ang paa

Patungo sa landas

Maging mapangahas

Wala ring mang yayari kung pan ay pangamba

Tiyak ikay matutumba't matutuklaw ng ahas

Pero sige lang, wala namang mawawala

Pagka't sa simula't sapul iyong sinangla

Ang kaluluwa para lang maka-larga

Kaya ano pang kinakatakot mo?

Kaya ano pang kinakatakot mo?


[WYP 3]

Ang huling pagpilas ng mundo sa iyo

Balat mo ang magsisilbing wakas

Dulong pahina puno ng pasa at mga galos

Nakaukit pati sigaw mong nakakapaos

Punitin ang

Tila walang hanggang

Pagyakap ng

Paggapos ng mga kahapon

Hilahin ang sarili palabas

Mula sa paglubog

Oras na para umahon

Imulat ang mga matang nasanay

Sa gabi at mga pagsisisi

Mga sana'y ginawa ko ang mga to

Mga sana'y nasabi ko sa iyo

Handa ka na ba?

Handa ka na bang tabunan ang mga hukay?

Bago salubungin ang bukang liwayway?

Ang bukang liwayway


[Bedsettler 2]

Naiisip ko lang

Bakit nagkakaganito

Ano ang hinahanap tuwing tayo'y humihinto

Ang palad kumakapal

Pitakang walang laman

Pinipipilit mo na lamang

Buhatin ang pasan

Kaliwa at ang kanan

Nalilito sa bawat hakbang

San ba tayo nagkulang

Hindi ko gustong sumuko

Pero bawat pagsubok

Makapaigil pulso


[Calix 5]

Sa paghalik sayo ng haring araw

Kadiliman lang ang tanging tanglaw