Umibig nang tapat ang puso kong ito

Handang ialay sa iyo buong buhay ko..

Tandang tanda ko pa

Ang araw na sinabi mong

Mahal mo rin ako

Bakit bigla kang nagbago...

CHORUS:

Bakit ba inibig ka

Kung puso ko’y iiwan lamang

Bakit ba nag-iisa ako ngayo’y iniwan mo

Bakit ba bigla kang nawala

Ano ang aking pagkukulang sa’yo

Sabihin mo sa akin.. Bakit ba?

Ang pag ibig mo na sandaling naging akin

Di ko kayang limutin

Nakangiti nang iyong sabihin..

Na ako’y iyong hinahanap at

Di na iibig sa iba

Ngunit bigla ka na lang nawala..

Nagpaalam ka nang bigla...

(REPEAT CHORUS)

Hindi naman nagkulang sa iyo...

Sabihin mo sa akin bakit

(REPEAT CHORUS)

Sabihin mo sa akin.. Bakit ba?