[Verse 1: Stacey]
Minsan ay nahuhuli ang sarili na nag-aalala
Mga bagay na 'di kontrolado pinoproblema pero teka lang
[Refrain: Jhoanna, Mikha & Sheena]
Meron bang humahabol sa'yo? (Oh, ooh-woah, oh-oh, ooh-woah)
'Di naman dapat matulin ang pagtakbo, ooh-woah, ooh-woah, oh
[Pre-Chorus: Gwen, Colet]
Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna?
Hindi naman ito karera, pwedeng magdahan-dahan
Sa bawat panibagong umaga
Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na
[Chorus: Mikha, Maloi]
Oh, oh-oh, oh
'Wag mag-alala
Buhay ay 'di karera
Woah, oh-oh, oh, ooh-woah
Dahan-dahan lang
Buhay ay 'di karera
[Interlude: Mikha]
Buhay ay, oh-oh
[Verse 2: Aiah, Maloi]
Minsan ay nalilimutang huminga sandali, magpahinga lang saglit (Oh-oh, oh-oh, oh-oh)
At 'di kailangang magmadali para magwagi, pwedeng unti-unti
[Refrain: Colet, Mikha & Sheena]
Meron bang humahabol sa'yo? (Oh, ooh-woah, oh-oh, ooh-woah)
'Di naman dapat matulin ang pagtakbo, ooh-woah, ooh-woah, oh
[Pre-Chorus: Sheena, Maloi]
Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna?
Hindi naman ito karera, pwedeng magdahan-dahan
Sa bawat panibagong umaga
Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na
[Chorus: Gwen, Jhoanna]
Oh, oh-oh, oh
'Wag mag-alala
Buhay ay 'di karera
Woah, oh-oh, oh, ooh-woah
Dahan-dahan lang
Buhay ay 'di karera
[Instrumental Break: Colet, Gwen, Jhoanna, Maloi]
Oh, oh, oh
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh, ah, ah-ah, yeah
Buhay ay 'di, oh-oh, 'di karera
Buhay ay 'di karera, ooh-oh
[Bridge: Stacey, Mikha]
Hey, hey, BINI
Maraming beses nangamba, nadapa, tumaya
Naniwala sa mundong madaya, uh
Ano nga ba? Sino nga ba? Ikaw ba? O ako ba?
Hinay lang, 'wag mabahala-hala (Uh-huh, uh-huh)
Yah, 'wag ka nang maniniwala sa paniniwala
Na dapat makipag-unahan sa karera
Kung wala namang karera, dahan-dahan, tahan lang
Kakayanin umpisa pa lang
[Pre-Chorus: Maloi, Jhoanna]
Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna?
Hindi naman ito karera, pwedeng magdahan-dahan
Sa bawat panibagong umaga
Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na
[Chorus: Sheena, Colet]
Oh, oh-oh, oh
'Wag mag-alala
Buhay ay 'di karera
Woah, oh-oh, oh, ooh-woah
Dahan-dahan lang
Buhay ay 'di karera
[Outro]
Walang masyadong mabagal, walang mabilis
Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis
Hingang malalim lang at tandaan
Ika'y may hawak ng iyong hakbang
Walang masyadong mabagal, walang mabilis (Oh)
Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis (Oh-oh, buhay ay 'di karera, oh-oh)
Hingang malalim lang at tandaan
Ika'y may hawak ng iyong hakbang
Walang masyadong mabagal, walang mabilis
Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis (Wag mag-alala, hey, yeah)
Hingang malalim lang at tandaan
Ika'y may hawak ng iyong hakbang
Walang masyadong mabagal, walang mabilis (Ooh, oh-oh)
Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis
Dahan-dahan lang (Hingang malalim lang at tandaan)
Buhay ay 'di karera (Ika'y may hawak ng iyong hakbang)