Binalewala (Rap Version)

By Bigshockd

Released on November 21, 2019

24K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Ikaw na pala

Ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko

Pakisabi na lang

Na 'wag nang mag-alala at okay lang ako


[Refrain]

Sabi nga ng iba

Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo

Hahayaan mo na mamaalam

Hahayaan mo na lumisan, hmm


[Pre-Chorus]

Kaya't humiling ako kay Bathala

Na sana ay hindi na siya luluha pa

Na sana ay hindi na siya mag-iisa

Na sana lang

Ingatan mo siya


[Chorus]

Binalewala niya 'ko dahil sa'yo

Nawalan na ng saysay ang pagmamahal

Na kay tagal ko ring binubuo

Na kay tagal ko ring hindi sinuko

Binalewala niya 'ko dahil sa'yo, dahil sa'yo


[Verse 2]

Alam kong masakit sa akin at kailangan kong gawin

Ika'y aking palalayain at kailangan tanggapin

Na iiwanan mo ako para lamang sa kaniya

Titiisin ko ang sakit para lang lumigaya ka

Kaya malaya ka na at magagawa mo na ang gusto mo

'Di bale na ako ang umiyak basta para sa'yo

Alam kong masaya ka na't kasama mo na sya

Ingatan mo sarili mo, 'wag mong pababayaan, ha

Nandito lang naman ako sa oras na kailangan mo

Tatanggapin pa rin kita kahit sinaktan mo ako

Ramdam ko naman ang lahat na wala ka nang pake

Pero nandito pa ako dahil mahal kita kasi

Ano man ang sabihin ng iba, sa'kin okay lang

Pinagpalit mo ako sa iba, sa'kin ayos lang

Palalayain na kita kung saan ka masaya

Hiling ko lang na mahalin ka niya at lumigaya ka


[Pre-Chorus]

Kaya't humiling ako kay Bathala

Na sana ay hindi na siya luluha pa

Na sana ay hindi na siya mag-iisa

Na sana lang

Ingatan mo siya


[Verse 3]

Ingatan mo siya tulad ng pag-aalaga ko d'yan, pare

'Wag mong paluluhain ang katulad niyang babae

Nagparaya na ako dahil 'yun ang gusto niya

Ang makasama ka at alam kong do'n siya masaya

Sana ay magtagal kayo at 'di siya nagkamali

Na piliin ka niya para iwan ako sa huli

Kaya pala nanlalamig na sya lagi siyang wala

Kaya pala nagbago ang lahat sakin nawala

Ang babaeng iningatan ko nang napakatagal

Inibig ko ng totoo, hindi pala ako mahal

Mali pala'ng paniniwala 'ko, niloko ko sarili ko

Sinasaktan ko lang ang sarili ko para sa'yo

Mga pangarap nating kay tagal kong binuo

Masisira lang pala lahat nang dahil sa'yo

Ngunit gano'n pa man ang lahat ay hindi magbabago

Mahal kita pero hanggang dito na lang siguro


[Interlude]

Na kay tagal ko ring hindi sinuko

Binalewala niya 'ko dahil sa'yo, dahil sa'yo


[Bridge]

Heto na'ng huling awit na iyong maririnig

Heto na'ng huling tingin na dati siyang kinikilig

Heto na'ng huling araw ng mga yakap ko't halik

Heto na, heto na


[Refrain]

Sabi nga ng iba

Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo

Hahayaan mo na mamaalam

Hahayaan mo na lumisan


[Outro]

Kaya ingatan mo siya