7777-2-3

By Because

On 12:34

Released on August 27, 2021

Thumbnail

[Chorus]

Sa'n ako dadalhin ng aking katawan?

'Di na mahahatid sa 'king pinagmulan

Gusto nang mamanhid, 'la nang maramdaman

Mata sa salamin, utak sa kawalan


[Post-Chorus]

Lumilipad na naman ang isip ko

Masyado nang mainit at titirik

Agos ay hindi na tumitigil, oh

Nalulunod kahit 'di sumisid


[Verse 1]

Pa'no ba itigil 'to, 'yan na din ang tanong sa sarili

Ilan pa mabibigong pinaglalaanan ng pag-ibig

Alak sa tanghali nang maagang malasing

Kasangga damdaming ayaw sanang harapin

Masyado nang malalim 'di na kayang salagin, ahh

Dami nang pasa na kailangan gamutin

Mga karamdamang himala kung gumaling

Dumulas sa palad, inasahang dumating

Pero sinong salarin, ako din naman

Kalat ang katotohanan kahit hubaran

May tulong na dasal ngunit bakit parang

Hindi gumagana nitong mga nakaraan

Wala na bang paraan na makabalik sa dati

Hindi para meron baguhin

Bata na walang tungkulin

Gusto ko na lang maulit


[Chorus]

Sa'n ako dadalhin ng aking katawan?

'Di na mahahatid sa 'king pinagmulan

Gusto na mamanhid 'la nang maramdaman

Mata sa salamin, utak sa kawalan


[Post-Chorus]

Lumilipad na naman ang isip ko

Masyado nang mainit at titirik

Agos ay hindi na tumitigil, oh

Nalulunod kahit 'di sumisid


[Outro]

Pa'no ba itigil 'to?

'Yan na din ang tanong sa sarili

Ilan pa mabibigong pinaglalaanan ng pag-ibig?