[Verse 1]
Hanggang ngayon, patuloy ang pag-ikot
Mga katanungang wala pa ring sagot
Halos libutin na ang buong mundo
At parang walang pagbabago
[Pre-Chorus]
Saan man mapunta
Laging nag-iisa
[Chorus]
Nasa piling ng iba, ngunit ikaw pa rin
May nagmamay-ari na, ngunit ikaw pa rin
Mula sa pagsara hanggang sa pagmulat ng mga mata
Bakit ikaw pa rin?
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
[Verse 2]
Bumubulong sa akin ang hangin
Isigaw ko raw ang pangalan mo
Hanggang kailan itatago
Mabubuhay sa pagkakaila't magsisisi
Magsisinungaling na
[Chorus]
Nasa piling ng iba, ngunit ikaw pa rin
May nagmamay-ari na, ngunit ikaw pa rin
Mula sa pagsara hanggang sa pagmulat ng mga mata
Bakit ikaw pa rin?
[Bridge]
Maaari bang mahiram ang sandali?
Wala naman tayong dapat sabihin
Masilayan lang at maramdaman
At sa sarili
Ako'y magsisinungaling
[Chorus]
Nasa piling ng iba, ngunit ikaw pa rin (Ikaw pa rin)
May nagmamay-ari na, ngunit ikaw pa rin (Ikaw pa rin)
Mula sa pagsara hanggang sa pagmulat ng mga mata (Ikaw pa rin, ikaw pa rin, ikaw pa rin, ikaw pa rin)
Bakit ikaw? (Ikaw pa rin)