[Verse 1]

Sa madilim na sulok, doon ka lang nagmumukmok

Kamay ay nakadukot sa bulsa ng 'yong suot

Panyo mo ay hinugot, basa na at lukot-lukot

Puno ng luha mo


[Verse 2]

Kahapon lang nakita nakangiti at masaya

Mas maliwanag pa sa araw sinag ng mga mata

Ngunit pagsapit ng gabi walang tigil ang pagpatak

Ng mga luha mo


[Pre-Chorus]

Sa iyong paghihintay

Lumamig mga kamay

Nagmistulan ng bangkay

Na nilimot na, 'di na maalala


[Chorus]

Siya ang dapat na kasama mo

Ang magdadala sa 'yo dito

Siya naman kasi'ng pinili mo

Bakit siya, hindi na lang ako

Ba't ngayon, 'di mo siya matanaw

Kung kailan dapat ka nang masayaw

Nangakong yayakapin ka pa 'raw

Bakit ngayon 'di man lang lumitaw


[Bridge: Sage Ilagan and Pauline Rana]

Sabi mo pa sa'kin, 'di ka iiyak

Luha mo'y 'di na papatak

Pwede bang ulitin, 'di na iiyak

Luha ko'y di na papatak


[Outro]

Sabi mo pa sa'kin, 'di ka iiyak

Luha mo'y 'di na papatak

Pwede bang ulitin, 'di na iiyak

Luha ko'y di na papatak