[Intro]

Nananabik ako tuwing nakikita ka

Kahit sandali nama'y makasama ka

Kalimutan mo'ng lahat ng kasalanan

Nananabik ako tuwing nakikita ka


[Verse 1]

Kumakaway ako sa'yo, 'di mo pinapansin

Sino ba ako para makilala

Lalakad palayo kasi, ako'y nalulumbay

Bye bye na sa'yo kasi 'di mo pinapansin


[Pre-Chorus 1]

Kapag ako ay nagkapera, maliligaw ka sa kalsada

Nag-iisa't walang kasama, barya lang kada umaga


[Chorus]

Maaalala ba?

Maaalala ba?

Maaalala mo ba?

Maaalala ba?

Maaalala ba?

Maaalala mong


[Verse 3]

Sabi mo noon, ako ay babalik sa'yo

Ayokong maluha pero masyadong masakit

Kita mo naman ako ay nagdurusa

Sabi mo noon, sa'yo, ako ay babalik


[Pre-Chorus 2]

Kapag ako ay nakilala, isusumpa mo ang tadhana

Bilisan mo't maaantala'ng suki mo sa may Ayala


[Chorus]

Maaalala ba?

Maaalala ba?

Maaalala mo ba?

Maaalala ba?

Maaalala ba?

Maaalala mo ba?

Maaalala ba?

Maaalala ba?

Baka nakalimutan mo na


[Bridge]

Ang panaginip mong sadyang 'di natupad

Mga pangarap na iyong hinahangad

Mistulang ibon na hindi makalipad

Ngayon sa may sampayan ka nagbibilad


[Outro]

Maaalala mo ba?

Maaala-labandera

Baka nakalimutan mo na

Baka nakalimutan mo na