Released on June 14, 2019

10K Views

Thumbnail

[Verse 1]

'Di ko na nadiligan

Ang binhi ng iyong pagmamahal

Ayoko nang sapilitang

Ibuhos ang lahat ng dinadamdam

Ang tangi kong hiling ay mahawakan

Ang iyong mga kamay at daliri habang

Dahan-dahang haplusin ng mga salita

Ang puso mong sabik mayakap 'pag nag-iisa


[Chorus]

Kaya tahan na (Ooh, ooh)

Sumandal ka (Woah, woah)

Hayaan mo na aking paglaruan

Apoy ng iyong labi, oh, Paraluman


[Verse 2]

Binibining natutulog

Sa ilalim ng aking mga bulaklak

'Di mababaon sa limot ang

Ligayang hatid ng iyong halimuyak

Alak lamang ang pumunas sa natira

Mong alaalang 'di kumupas

At kahit na, ipilit ko mang ibalik pa ang dati

Tayo'y mawawala pa rin


[Chorus]

Kaya tahan na (Woah, woah)

Sumandal ka (Woah, woah)

Hayaan mo na aking paglaruan

Apoy ng iyong labi, oh, Paraluman

Ilang araw nang nakahiga

Tuluyan na nga bang ako'y iyong nilisan

Kahit saglit pwede bang mahawakan?


[Bridge]

'Di na kailangang lumayo

Halika sa akin

'Di na muling mabibigo

Ako ay yakapin


[Chorus]

Kaya tahan na (Woah, woah)

Sumandal ka (Woah, woah)

Hayaan mo na aking paglaruan

Apoy ng iyong labi, oh, Paraluman

Ilang araw nang nakahiga

Tuluyan na nga bang ako'y iyong nilisan

Kahit saglit pwede bang mahawakan