PEKENG REYALIDAD

By Archie B.

8K Views

Thumbnail

Araw araw di ako nagsawang mag sulat

Inalam ko nang mabuti kung ano ba ang ugat

Sinanay ang sarili nang maigi at sakali na magagamit ko pagka lipas nang bahaghari sa dami nang problema eskinita may eskena ang buhay nang tao ngayon pare ay paiksina

Hindi mo na alam kung sinong paniniwalaan

Sa daming impostor na nag kalat jan sa lansangan ginagamit may kapal para bulsa magka laman akala mo sinong banal pero kaluluway halang mga peke at panggap ginagawang walang alam ang mga tao sa paligid nang kagustuhay mapunan

Yeah natural puro yan mga hangal kriminal karimihan opisyal chemikal binungkal mga utak imoral binaon ang pangaral matino lang sa suot pero ugaling animal

At teka lang saglit akoy napapaisip

Systema nang gobyerno pare bat ang init

Wala silang pake mahirap laging itsapwera

Hindi papanig ang batas kapag wala kang pera

Sapagkat nabibili lamang kanilang mga dignidad

Ginagamit ang tungkulin at abilidad

Maling pamamalakad lage ang pinapa iral

Dito sa pinas bakit sobrang mahal mag aral

Mahal na nga bilihin dami pang dagdag gastusin

Laging tanong meron pabang bigas na e sasaing

Sa sobrang hirap nang buhay para kang nasa hukay

Akoy nag titipid kaya nag titiis sa ukay

Laging naka handusay bangkay na tumilapon ang makikita mot maririnig buong maghapon

Akoy nababagot anong mabisa na sagot

Bawal magka sakit kase mahal din ang gamot

Bwaka nang ina at eto sasabay pa

Mga useserong walang inatupag kundi laging mang husga

Sige hila hila pa hanggang mag sawa tang ina

Kung sino pa ang kadugo sila pa yung nauuna

Nag si almahan ang mga bobo nang aking pagbabanatan babalatan ang mga kalaban na wala namang alam akoy nandito sa harapan pakinggan ang mga banatan pinipilit abutin ang mga pangarap na aking sinimulan

Kase bata palamang na mulat na sa mga gantong larangan di mapipigilan nagulat kaba saking na ipakita na malupet na mga kataga oh diba

Bat ka naka tulala pare nagulat ka ba panahon na namin to wag kang mang hila pababa mga utak talangka pwede wagkang mag mag paka mag piling na magaling at nag lalalim naalala ko pa non nung akoy nag simula walang gusto mag turo sakin kung paano tumula lapis at papel ang hawak kot wala pang pambura kapag akoy nagkamali di maiwasan mag mura

At salamat sa mga tunay na supportang nandyaan

Kayo ang dahilan kung bat ang utak ay nagkalaman

Ako ay simpleng tao lang nangarap na ipa rating ang boses nang mga dukha at aming mga hinanaing