Peque

By Apekz

On Ala Una

Released on March 7, 2017

8K Views

Thumbnail

[Verse 1 - Apekz]

Balik tayo sa reyalidad dun na sa makakamura

Kahit di branded basta maganda yung itsura

Noong nagpunta ko sa magarang boutique

Kasama ng kulay keso kong papel ayun nag-hello si Adelle

Palit ng planong makipagsiksikan sa Divisoria pwede dito

Kahit magkano, kahit papano may bling-bling

Sana di mapansin ang pwet ng baso peke nga pero di mo halata

Kasi nga magaling ako magdala ganyan talaga

Ika’t napapaligiran ng mga peke mo na kaibigan

Pekeng kompyansa at kasiyahan na panandalian

Tila di na nga tinigilan sa iba diba madali ang magkunwari

Sa lahat sapagkat matigas ang balat sa mukha na makahanap ka ng katapat

Yan nakangiti lang sa boss pag nakaharap

Sabi ng konsensya mo “Hoy tol wag kang magpanggap”

Ang orig matagal ang buhay mahusay sa anumang laban

San mang anggulo mo tingnan tunay at merong palatandaan


[Chorus - Apekz]

Ang daming pekeng shoes, pekeng socks

Akala ko manok ayun pala peking duck

Tinatangkilik kahit na walang kwenta ang lasa

Basta peke ay mabenta sa masa

Ang dami-daming pekeng shoes, pekeng socks

Akala ko manok ayun pala peking duck

Kung gusto ko ng peke sige tanungin mo ako

Kaso mahirap magpakatotoo diba diba


[Verse 2 - Abra]

Sa dami ng namemeke dapat alisto ka lagi

Di mo masabi kung si pare padaplis umatake

Kunware tropapips o kapatid

Madalas yung madulas at matamis magsalita masyado kayong mapait

Oy ang bait bait kapag nakaharap, pag talikod change topic na kaagad

Talak na ng talak sarap manapak-manapak na

Para talagang tumatak manadyak ng mga mapagpanggap dyan

Na parang tanga lang kung mag-rap

Fuckshit real talk ito di to kada iba dyan mga hipokrito

(plastik) Real talk shit bro

Kasingbaho ng hininga nyo kaka talk shit yow

Wala nang mas peke pa sa paborito mo na reality show

Wala ng mas peke sa dede ng manikin whoa

Tang ina mo wala nang mas pepeke pa sa iyo

Kung di ako lalo na kung di kayo totoo


[Chorus - Apekz]

Ang daming pekeng shoes, pekeng socks

Akala ko manok ayun pala peking duck

Tinatangkilik kahit na walang kwenta ang lasa

Basta peke ay mabenta sa masa

Ang dami-daming pekeng shoes, pekeng socks

Akala ko manok ayun pala peking duck

Kung gusto ko ng peke sige tanungin mo ako

Kaso mahirap magpakatotoo diba diba


[Hook - Apekz]

Ano bang bago? Wala kong napansin

Pare-pareho nang tinatamad na mag-imbento

Kaya heto napalitan lang yung tindero

Pero ganun pa rin naman yung laman ng kanyang kaldero (Kaldero, kaldero)


[Verse 3 - Mikarapphone]

Bueno pekeng shoes, pekeng socks, pekeng boots, pekeng slocks

Emcing wack, pekeng Kiko, pekeng Pootch, pekeng Gloc

Pekz buti nandyan ka para ituro sa bagets

Na mga weks ang tamang peg kasi marami nang japeks next

Madaling masira sa isang sipa lang ay bali na

Kahit mantika, harina, maling na galing sa Tsina (Ubusen)

Bawal ang lutang, buwang, mukhang nabunutan ng tutchang sa oplan tokhang

Kaso may pekeng sundalo, may peke ding kabo

Sa pekeng husgado na may pekeng hurado

Pekeng kaalyado, mga pekeng kaaway

Kung merong namemeke syempre meron ding tunay

Wag mawalan ng gana kapag linapag ang nasa hapag

Kainan ay dapat na magpasalamat ka sa ambag sa sarili wag mahabag

Basta tunay na tao ka magaling kahit galing sa tiangge yung bag


[Chorus - Apekz]

Ang daming pekeng shoes, pekeng socks

Akala ko manok ayun pala peking duck

Tinatangkilik kahit na walang kwenta ang lasa

Basta peke ay mabenta sa masa

Ang dami-daming pekeng shoes, pekeng socks

Akala ko manok ayun pala peking duck

Kung gusto ko ng peke sige tanungin mo ako

Kaso mahirap magpakatotoo diba diba