Dressing Room

By ALLMO$T

Released on November 17, 2018

Thumbnail

Oh bakit, bakit, bakit

Ang bilis mo na maakit

Ang bilis mong magpakapit

Ilang oras palang kitang kasama

May lakad na namang iba

'Di ka ba marunong makuntento sa isa

Siya na ba ang bago mo na iniirog?

Akala ko sanay na 'ko na binibiro

'Di mo man lang nagawang

Magpahinga matapos ang lahat

Ay tumawid agad sa kabilang ilog

Habang ako'y hindi mapakali sa'king pagkasawi

Ay naghanap ka kaagad ng mapapapangiti

O 'di kaya'y tatapal dyan sa'yong pangangati

Dahil alam ko na gano'n lang kadali

Sa, yo na kalimutan ang lahat

Tangina, kilala na kita

Kung magpalit ka ng damit ay paiba-iba

Dahil umpisa pa lang na maging tayong dalawa'y

Nakita ko na madali ka ngang maakit sa iba

Pero pilit pa kita na binabago

Habang ako'y paulit-ulit ginagago

Ano pa bang magagawa kung napamahal na ko sa iyo

Gulong gulo na ang mundo na umiikot lang sa'yo oh

Oh bakit, bakit, bakit

Ang bilis mo na maakit

Ang bilis mong magpakapit

Ilang oras palang kitang kasama

May lakad na namang iba

'Di ka ba marunong makuntento sa isa

Oh bakit, bakit, bakit

Ang bilis mo na maakit

Ang bilis mong magpakapit

Ilang oras palang kitang kasama

May lakad na namang iba

'Di ka ba marunong makuntento sa isa

Sa'yo ay parang walang nangyare

Di ka man lang nakitaan ng kaba

Ngayon ikaw ay masaya sa piling ng iba mong iniibig

O sadya mo na kinakalantare

Ano ba talagang pumasok dyan sa isip mo

Kung bakit ba nagagawa mo 'to na maatim

Hindi ka ba tinatablan na kilabutan

Sa ginagawa at binabalak mo parin na maitim

Kahit na gano'n ay minahal naman kita

Binuhos ang lahat kahit wala nang matira

Hinayaan kong madurog at maging abo nalang siguro

Ang damdamin ko sa'yo nang 'di ko madama

Kung papano ang sakit na lagi mong hinahangad

Makuha sa iba't ginagawa mong laruan

Lahat ng nahuhulog sa iyo'y hinahayaan mo nalang

Nang sa ganon ay maiwanang talunan

Gusto kitang tulungan ayokong mangulungan

Ka nalang at mahumaling nang lubusan

Tandaan mo na hindi ka din mauubusan

Kung sakaling gusto mo na mabakuran

Kaso lang ay kung ayaw mong padaig

Di na kita pipilitin pa na makinig

Ayoko na sukuan pa kita kaso kung gano, n ay

Di malabo na makita nalang kita sa sahig

Oh bakit, bakit, bakit

Ang bilis mo na maakit

Ang bilis mong magpakapit

Ilang oras palang kitang kasama

May lakad na namang iba

'Di ka ba marunong makuntento sa isa

Oh bakit, bakit, bakit

Ang bilis mo na maakit

Ang bilis mong magpakapit

Ilang oras palang kitang kasama

May lakad na namang iba

'Di ka ba marunong makuntento sa isa