Interesado

By Alisson Shore

Released on December 23, 2020

Thumbnail

Patimpalak ba ang buhay mo

Bakit di ko ramdam na panalo ako?

Puro kalinga ang iginawad

Ngunit sabi mo 'di tayo talo - teka, teka

Te - ka, parang ganan ang galawan mo sa lahat

Di ko mai-isplika

Kung ta -ma pa ba aking dinadamdam sa'yo

Di naman gaano

Wag ko na ngang masyadong

Ipahalata na ako lang yung interesado

Di naman gaano

Wag ko na ngang masyadong

Ipahalata na ako lang yung interesado

Sa dami na ng nagsabi na di lang ako

Ang iyong ginusto

Kung magbigay motibo

Akala mo naman ay may ikaw at ako, pero pero

Paru-paro ka ba sa hardin

Lahat ng bulaklak kinain mo ba't

Nabasa ko na topic ka sa dyaryo

Buwan buwan may dalaw daig pa ang kalendaryo

Poste sagad pag umiilaw

Lahat ng gamu-gamo iyong napukaw

Napuwing aking mata na parang inihaw

Malabo at mausok ganyan ka hindi malinaw

Di naman gaano

Wag ko na ngang masyadong

Ipahalata na ako lang yung interesado

Di naman gaano

Wag ko na ngang masyadong

Ipahalata na ako lang yung interesado

Di na ba nakaramdam

O walang pakialam

Sadya bang ako'y mangmang

Sa ganito?

Di na ba nakaramdam

O walang pakialam

Sadya bang ako'y bulag

Na sa iyo?

Sino ba naman ako sa iyo?

Sino ba naman ako sa iyo?

Teka, teka

Te - ka, parang ganan ang galawan mo sa lahat

Di ko mai-isplika

Kung ta -ma pa ba aking dinadamdam sa'yo

Di naman gaano

Wag ko na ngang masyadong

Ipahalata na ako lang yung interesado

Di naman gaano

Wag ko na ngang masyadong

Ipahalata na ako lang yung interesado