Aswang

By Alamat

On Pasulong

Released on October 28, 2022

Thumbnail

[Verse 1: Mo]

Pagsapit ng dilim

Magkita tayo d'yaan sa inyo

Gutom ka ba? 'Wag mag-alala

Hapunan mo ang aking katawan

(Alamat, handa 'rap)

[Refrain: Taneo, Jao]

Hindi lingid sa akin itong mga usaping

Meron kang sikreto, meron kang sikreto, giliw

Binabalaan ako na lumayo na sa'yo

Dahil mapanganib

[Pre-Chorus: R-Ji, Tomas]

Sipsipin mo ang aking dugo't buto't laman

Gamit ang mabalasik mong dila hanggang sa manghina

Ang katawan ko at puso, mula paa hanggang ulo

Pag-ibig ko sa'yo'y kailanman 'di guguho

[Chorus: Alas, Taneo]

Kahit pa maging kang aswang

Kahit na isa kang aswang

Kahit pa maging kang aswang

At kahit na isa kang aswang

Kahit pa maging kang as—


[Verse 2: Jao]

Sa umaga ay kay amo mo

Nahahalina mo lahat sila

Kapag gabi ay nag-aanyong halimaw ka

Asal halimaw

[Refrain: Tomas, Alas]

Hindi lingid sa akin itong mga usaping

Meron kang sikreto, meron kang sikreto, giliw

Binabalaan ako na lumayo na sa'yo

Dahil mapanganib

[Pre-Chorus: Mo, R-Ji]

Sipsipin mo ang aking dugo't buto't laman

Gamit ang mabalasik mong dila hanggang sa manghina

Ang katawan ko at puso, mula paa hanggang ulo

Pag-ibig ko sa'yo'y kailanman 'di guguho

[Chorus: Jao, Mo]

Kahit pa maging kang aswang

Kahit na isa kang aswang

Kahit pa maging kang aswang

At kahit na isa kang aswang

Kahit pa maging kang as—

[Refrain: R-Ji, Tomas]

Hindi lingid sa akin itong mga usaping

Meron kang sikreto, meron kang sikreto, giliw

Binabalaan ako na lumayo na sa'yo, oh

Pero pag-aari mo 'ko

[Chorus: Taneo, Alas]

Kahit pa maging kang aswang

Kahit na isa kang aswang

Kahit pa maging kang aswang

At kahit na isa kang as—

Kahit na isa kang as—

[Outro: Mo, Alas]

Kahit na, kahit na, kahit na

Kahit na isa kang aswang