Repeat

By Al James

Released on January 15, 2020

73K Views

Thumbnail

[Intro: Al James]

Yeah, yeah, yeah

Yeah, yeah, yeah

Yeah, yeah


[Chorus: Al James]

Maghimay sindihan mo ta's ipasa mo repeat

Maghimay sindihan mo ta's ipasa mo repeat

Maghimay sindihan mo ta's ipasa mo repeat

Ta's ipasa mo repeat, yeah, ipasa mo repeat

Maghimay


[Verse 1: Al James]

Sindihan mo ipasa sa katabi

Pakiramda'y patangay mo lang sa alon pasagip

'Wag masyadong apurado dahan-dahan siguradong

Magbubunga ka't hangga't rurok ng amat matabik, oh

Malamang may mga manghila, malamang may masamang trip

Pabayaan ang mga tunay, matira't maiwan ang mga inggit

Makinig, makisama, makisindi, maniwala pero pauto ay hindi

Dami d'yan maingay pero walang silbi

'Di kailangan na tularan ang galawan ng mga ampaw

Feel the good vibrations, embrace it

Though for the bad shit, I'm sober

Eyes low, stay faded, patago pero dama mo pa rin aking aura

Give a damn 'bout a hater

Pake ko na nawala na 'di na matanaw

Nasa kalawakan bumala, makababa

Amat ang mga tropa't manatiling makapag—


[Chorus: Al James]

Maghimay sindihan mo ta's ipasa mo repeat

Maghimay sindihan mo ta's ipasa mo repeat

Maghimay sindihan mo ta's ipasa mo repeat

Ta's ipasa mo repeat, yeah, ipasa mo repeat

Maghimay


[Verse 2: Rjay Ty]

Hiwalay ang buto sa bunga iba ang baitang

'Wag mong ipilit kung 'di ka hiyang

Pampagaan lang nang pakiramdam

'Di mo na kailangan pang muling mag-anlinlangan

Pasa mo sa kaliwa at kunin mo sa kanan

Higop at sakyan mo lang habang may nakasalang

Steady lang ang tama, ramdam ko nga ang gapang

Hmm, malakas, matindi

Baka naman, pare, pwede makisindi

Tamang-tama lang hindi na maka-hindi

Papikit na pero bawal ang umidlip

Hmm, masarap ang ihip

Lumilipad na naman ang isip, uh

Kahon nakasara buksan mo parang mata

Kailangan mong gamitin at sumilip

Sa kalawakan na, oh, napakaganda

Para bang ako'y nakatapak sa alapaap at 'di na babagsak

Pakiramdam ay nagbabago, sana nga 'di na 'to maglaho

Lumilinaw na ang malabo, ang saya lang ng may kasalo


[Chorus: Al James]

Maghimay sindihan mo ta's ipasa mo repeat

Maghimay sindihan mo ta's ipasa mo repeat

Maghimay sindihan mo ta's ipasa mo repeat

Ta's ipasa mo repeat, yeah, ipasa mo repeat

Maghimay


[Verse 3: Lexus]

Naghimay, naghintay ta's ipapasa ulit

Ganyan talaga ang buhay, 'wag ka nang magalit

'Yung iba ay nagtagal pero merong kapalit

Pangarap tagal kong hinintay, tagal kong kinulit

Higupin mang nagbabaga, damahin magandang tama

Inaayos aking buhay dahil hindi na nga bata

Mamumuna hindi na nga mawawala

Kada sita ramdam ko ang aking halaga

Sabi niya ay sino ka, sabi ko ako lang 'to

Layo na nga nang inabot, 'di alam ang paghinto

Mga oras na nasayang, daming nawalang ginto

Ngayon pa kakapal 'yung pera

Hanggang sa magmukha 'tong libro, maghimay