Pahinga

By Al James

Released on January 27, 2017

242K Views

Thumbnail

[Chorus]

Pahinga ka muna (Pahinga ka muna)

At dadalhin kita (Sa may alapaap)

Mga pasakit sa mundo, napapagod ang puso

Alak o usok akong bahala sa'yo

Pahinga ka muna (Pahinga ka muna)

At dadalhin kita (Sa may alapaap)

Mga pasakit sa mundo, napapagod ang puso

Alak o usok akong bahala sa'yo


[Verse 1]

Pagod ka na ba at sawa ka nang masaktan?

Sagad na sagad, halika't sindihan ko na 'yan

Manood tayo hanggang umaga ng pelikula na gusto

Humihigpit bigla ang pagkapit mo paglilitaw ang multo

Teka lang, 'di ka ba hinahanap sa inyo

Pagkasapit na ng madaling araw at wala ka

Sabi mo hindi naman kasi napasarap narin naman

Ang paghiga mo dito sa'king kama

Nako, 'yan ang sinasabi ko

'Di na tinapos at ayaw na niyang manood


[Chorus]

Pahinga ka muna (Pahinga ka muna)

At dadalhin kita (Sa may alapaap)

Mga pasakit sa mundo, napapagod ang puso

Alak o usok akong bahala sa'yo

Pahinga ka muna (Pahinga ka muna)

At dadalhin kita (Sa may alapaap)

Mga pasakit sa mundo, napapagod ang puso

Alak o usok akong bahala sa'yo


[Verse 2]

Panahon ay malamig pa sa nakasalin sa baso

Lamig na para sa'yo hindi na bago

Ginawa mong lahat, kapalit naman ay ginagago ka niya

Halika na sumama ka sa alapaap

Kalimutan ang pait sa mga nalasahan

Palapit nang palapit hanggang sa makatabi

Na natin ang mga tala doon sa kalawakan

At mahawakan mo na

Kumapit ka lang, lilipas ang araw at buwan

Na tayong dalawa na lang, 'wag kang kabahan

Kasi mga sikreto lang natin ang makakaalam

Sa mga nakaw na sandali at pa'no

Ginawang malaya kahit merong tinatago

Mali ba na nakangiti pa tayo

'Di sanay ikaw ang katabi pagbangon

Teka lang, 'di ka ba hinahanap sa inyo

Pagkasapit na ng madaling araw at wala ka

Sabi mo hindi naman kasi napasarap narin naman

Kwentuhan natin at ang makasama ako

'Yan ang sinasabi mo

Dito ka lang, pwede bang 'wag ka nang lumayo


[Chorus]

Pahinga ka muna (Pahinga ka muna)

At dadalhin kita (Sa may alapaap)

Mga pasakit sa mundo, napapagod ang puso

Alak o usok akong bahala sa'yo

Pahinga ka muna (Pahinga ka muna)

At dadalhin kita (Sa may alapaap)

Mga pasakit sa mundo, napapagod ang puso

Alak o usok akong bahala sa'yo