Senaryo

By Adie

On SENARYO

Released on December 15, 2023

18K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Ako ngayo'y nakapikit

Samu't saring mga bagay ang naiisip

'Di mapigilan ang sarili na maghangad

'Di sa tinatamad

Ito ang aking paraan upang agad-agad

Na maranasan ang iba't ibang karanasan

Ako'y nalilibang sa gan'tong gawi

Ako'y nauuwi sa labis na pag-ngiti


[Pre-Chorus]

Lagi na lang ganito

Kailan kaya magpapakatotoo

Sa nararamdaman ng aking puso?


[Chorus]

Sa panaginip laging naiinip

Hindi mawari laman ng isip

Kada susulyap laging may hadlang

Kaya aking idinadaan sa pagpapantasya

Hanggang, hanggang, hanggang

Kailan ba 'ko maglalaan ng oras

Sa kakaisip ng mga senaryo, oh, mm?


[Verse 2]

Ipinagkait ng sansinukob

Mga tanyag ba na maari kong maging sagot

'Di 'pag nababagot

Ibabaling na naman sa pagsuot

Ng mapanlinlang na imahinasyon sa palaisipan

Walang puhon

'Di maiwasan kahit pa na labanan

Makakailan pa bang


[Pre-Chorus]

Lagi na lang ganito (Ganito, ganito)

Sana'y mga gusto'y maging totoo

Sa takdang panahon, ako'y makakaahon din


[Chorus]

Sa panaginip laging naiinip

Hindi mawari laman ng isip

Kada susulyap laging may hadlang

Kaya aking idinadaan sa pagpapantasya

Hanggang kailan ba 'ko

Magpapa-uto sa sariling mundo? (Hanggang, hanggang)

Kailan ba 'ko magpapa-uto sa sariling mundo, oh-woah, oh, woah

Kailan ba 'ko magpapa-uto sa sariling mundo?