Ewan

By Adie

On SENARYO

Released on December 15, 2023

Thumbnail

[Intro]

Humm, mm-mm

Humm, mm-mm


[Verse 1]

Pinihit na walo ang iyong pinangako

Humimlay sa'yong bulaklak, ngayo'y umiiyak (Hmm)

Nanginginig ang mga bisig

Yakap mo'ng bukambibig (Bukambibig)

Pumiglas sa pagkakapit

Wakas ay sumisilip na, ah

Alam ko na, ah


[Chorus]

Ang aking pag-ibig, mistulang napaglaruan

Nagpapahiwatig ang daigdig na tama na

Alam ko namang mahihirapan

Akong tanggapin ang 'yong kahilingan

Ewan


[Verse 2]

Marami ang bumabalakid

Upang 'di ka limutin

Mga alaala natin ang

Nagsisilbing dahilan ng pagkapit

Naguguluhan ang puso't isipan


[Chorus]

Ang aking pag-ibig, mistulang napaglaruan

Nagpapahiwatig ang daigdig na tama na

Alam ko namang mahihirapan

Akong tanggapin ang 'yong kahilingan

Pinag-iisipan kung hahayaan na lang

Na bumitaw o lalaban pa

Ewan


[Outro]

Ooh-ooh, ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh-ooh