Ating Pasko

By Acer Philippines

Released on November 15, 2024

Thumbnail

[Verse 1: Ken, AJ]

Mga araw kay bilis naman

Parang kailan lang tayo'y nagsimula

Bawat oras binibilang

Makasama ka pagsapit ng Kapaskuhan

[Pre-Chorus: Justin, Alfea]

Mula noon hanggang ngayon

Lumipas man ang panahon

Basta't ika'y nariyan

Ang Pasko ay napupuno

Ng pag-ibig mong wagas at walang hangganan

[Chorus: Pablo, Jaz]

Ikaw ang aking maligayang Pasko

Pagmamahal mo'y liwanag ng aking mundo

Sa piling mo ako'y payapa't buo

Hindi magbabago

Ikaw ang aking maligayang Pasko

(Maligayang Pasko)

[Verse 2: Josh, Alfea]

Umaaraw o bumabagyo man

Ikaw ang aking sandigan, ang aking lakas

Sa iyong yakap ako'y mahihimlay

Kinabukasan ay panatag

Basta't hawak ang iyong kamay

[Pre-Chorus: Stell, Jaz, Stell & Jaz]

Sa bawat pagkakataon

Sa'yo'y nais magpasalamat

Basta't ika'y nariyan

Wala nang kailangan pa

Basta't ikaw ang kasama sa Pasko at sa tuwina

[Chorus: AJ & Josh, Alfea & Justin]

Ikaw ang aking maligayang Pasko

Pagmamahal mo'y liwanag ng aking mundo

Sa piling mo ako'y payapa't buo

Hindi magbabago

Ikaw ang aking maligayang Pasko

[Pre-Chorus: Alfea & Ken, Stell, Alfea & Stell]

Mula noon hanggang ngayon

Lumipas man ang panahon

Basta't ika'y nariyan

Ang Pasko ay napupuno

Ng pag-ibig mong wagas at walang hangganan


[Chorus: All]

Ikaw ang aking maligayang Pasko

Pagmamahal mo'y liwanag ng aking mundo

Sa piling mo ako'y payapa't buo

Hindi magbabago

Ikaw ang aking maligayang Pasko


[Outro: All]

Ikaw ang aking maligayang Pasko

Natatanging saya sa puso ko'y dulot mo

Kapayapaang higit pa sa ginto

Biyayang handog mo

Ikaw ang aking maligayang Pasko

(Maligayang, maligayang, maligayang Pasko)