Ilang hakbang papalayo

Sa bawat singhot, ako'y napapaso

Hinahanap ka na ng langit

Saan kita itatago?

Ang buhay 'di mahalaga

Kung ika'y hindi makakasama

Walang ibang idadalangin

O Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin

Kislap ng 'yong mga mata

Ang siyang nagbibigay ng kulay

Mga bulong ng hangin na nag-uugnay

Sa'yo at sa 'king buhay

Ang buhay 'di mahalaga

Kung ika'y hindi makakasama

Walang ibang idadalangin

O Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin

At sayong paglayo

Tangay-tangay mo ang buhay ko

Sa bawat pintig ng puso ko

Aking dalangin, 'wag kang agawin sa akin

Ang buhay 'di mahalaga

Kung ika'y hindi makakasama

Walang ibang idadalangin

O Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin

Gagawin ang lahat

Huwag kang agawin sa akin

Gagawin ang lahat

Huwag kang agawin sa akin

Gagawin ang lahat

Huwag kang agawin sa akin

Gagawin ang lahat

O diyos ko, huwag kang agawin sa akin