Released on 2011

29K Views

Thumbnail

[Verse 1: Ney Dimaculangan]

Maari bang makausap ka?

'Di na biro ang nararamdaman

Nalungkot sa aking buhay

Mula nang ika'y matauhan


[Chorus: Ney Dimaculangan]

Patawarin mo ako

Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan

Patawarin mo ako

Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan


[Verse 2: Ney Dimaculangan]

Maari bang mapigilan pa

Ang 'yong 'di maaming binabalak?

Nakalimutan mo na ang pagsasama

'Di na ba kayang mapagbigyan?


[Chorus: Ney Dimaculangan]

Patawarin mo ako

Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan

Patawarin mo ako

Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan


[Verse 3: Gloc-9]

Patawad ay isang salitang animo'y isang parusa

Ito'y sasambitin mo lang kung lahat ay huli na

At 'di na maibabalik ang dating pinagsamahan

Parang putik sa mukha na pinahid nang pabalang

Sa'yo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya

Habang siya'y bigay na bigay at ipinauubaya

Lahat nang makakabuti kahit na panghuling-butil

Ay iaabot sa'yo, parang ika'y isang inutil

Na hindi nag-iisip, wala kang nararamdaman

Subukan mang pumikit, wala kang natatandaan

Lagi mong inaalala ang para lamang sa'yo

Walang iba kung 'di ikaw at kailanma'y walang kayo

Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit

Ika'y sasaktan, sumisigaw ng salitang pumupunit

Kaysa pilit mong kausapin ang 'di na sasagot

Akapin man nang mahigpit ay 'di mo na maabot

Patawad


[Bridge: Ney Dimaculangan]

'Di na mauulit, 'di na uulitin

Sana'y tanggapin mo


[Chorus: Ney Dimaculangan]

Patawarin mo ako

Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan

Patawarin mo ako

Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan


[Verse 4: Gloc-9]

Tayo'y nagkagulo't nagsigawan at halos magtulakan

Sa galit ko, ako'y lumayas at 'di ka binalikan

Nilimot ang lahat ng pangako at ang pagmamahal

Sumpaan natin sa isa't isa, 'di rin nagtagal

Ang gabi ay laging umaga, umaga'y laging gabi

Ako'y gumigising nang 'di ko kilala ang katabi

Paulit-ulit na ganito ngunit nang aking makita

Larawan mo sa loob ng aking lumang pitaka

Ay nalaman ko, hinanap ko ang tunay na sarili ko

Nakita ko, nalaman ko, ito ay nasa piling mo

Inipon ang lahat ng aking lakas ng loob

Ngunit bakit parang 'di maganda ang aking kutob

Nilapitan ka at pilit na tinitignan sa mata

Ako'y nagdarasal na sabihin mo sa'kin, pwede pa

Ika'y hindi kumikibo at parang lumalayo

Tila pag-ibig mo sa akin, tuluyan nang natuyo